general

Ooops! Teka lang… Bakit ang laki?

Alam mo ba namamayagpag na ang Piso, may epekto ba sa patuloy na naghihirap na Pilipino? Marami pa ring pulubing pakalat-kalat sa mga kasalda.Lalo pang dumarami ang walang tahanan at talamak pa rin ang mga krimen lalo na ang mga kaso ng nakawan, hold-up at snatching. Sa madaling salita, matindi pa rin ang kahirapan bagatma’t sinasabing tumataas ang halaga ng piso gayundin ang ekonomiya ng bansa. Tama bang bigyan tuon lamang ang pagtaas ng piso? Araw-araw laman ng balita ang halaga ng piso laban sa dolyar. Subalit, marami pa rin ang hindi naiintindihan, kung paano nga ba tumataas ang halaga nito.

Ayon sa aking pagkakaunawa maraming dahilan kung bakit tumataas ang piso. Isa na rito ang kalagayan ng ekonomiya ng bansa at pagkonsidera sa kung gaano kalaki ang Gross Domestic Product (GDP) at iba pa. Nakatutulong ang mataas na income o GDP upang umaangat ang currency ng bansa. Pangalawa, gaano karami ang investments na pumapasok. Kung maraming mamumuhunan, mas mabuti. Dagdag pa nito, nakakaapekto rin ang mga fiscal at monetary policies na ipinatutupad ng pamahalaan. At ang pinakamalaki umanong salik sa pagtaas ng piso ang Overseas Filipino Worker (OFW) remittances o yaong padalang pera ng mga kababayang nating nagtatrabaho sa ibang bansa. Isa indikasyong na ekonomiya ang mataas na halaga ng pera o currency. Halimbawa na lamang ang Amerika at Hapon. Upang mapanatiling mataas ang piso, kailangan maging stable ang income ng bansa.  Sa katotohanan, hindi agad-agad ang epekto ng halaga ng piso sa mga mahihirap na tao. Kaya diumano hindi nag-improve ang standard of living ng karamihan sa mga naghihirap sapagkat wala naman silang trabaho. Ngunit, mga mahihirap rin ang makikinabang sa long term effect ng pagtaas ng piso.

Nakakatulong naman sa pamahalaan ang pagtaas ng piso upang bumamaba ang halaga ng dolyar na kailangan sa mga international institution. Samantala, mga importer at negosyante o yaong bahagi ng business sector ang higit na nakikinabang sa pagtaas ng piso sa kasalukuyan. Malaki rin ang epekto nito sa mga wholesaler at retailer na umaangkat ng produkto sa mga manufacturer na gumagamit ng raw materials galing sa ibang bansa. Sa kabilang banda, wala naman itong direktang epekto sa mga karaniwang empleyado sapagkat ‘fixed’ ang mga sahod nito.

May mabuti ring epekto ang pagtaas ng piso sa utang nga ating bansa sa World Bank. Kapag tumataas ang halaga ng piso, gumaganda ang credit standing natin sa World Bank at mabibigyan tayo ng good credit dahil nanganhulugan ito na mas mababayaran na natin ang ating mga utang. Kung mapapanatili ng pamahalaan ang ekonomiya ng Pilipnas, maaring magtuloy-tuloy na nga pagtaas ng piso. Gayunpaman, marami pa rin dapat isaisip gaya na lang nang paano kung dumating ang panahon na bumaba nang husto ang OFW remittances?

Dapat palakasin nang husto ng ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng pagpapatuloy sa pagpapatupad ng mga fiscal policy at subukang bawasan muli ang budget deficit. Fiscal policy ang tawag sa lahat ng patakaran ng pamahalaan na may kinalaman sa pagkolekta at paggastas ng buwis. Ang budget deficit naman ang tawag sa paglampas o mas mataas na halaga ng nagastos kaysa sa sahod ng pamahalaan, kumpanya, o isang indibidwal sa isang partikular na panahon.

Bagama’t magandang balita ang pagtaas ng piso, marapat lamang na manatili tayong alerto sa anumang pagbabago. Hindi natin masasabi kung panghabambuhay na ito. Kahit maganda itong senyales, dapat manatili pa ring bukas ang ating isipan at matutong magtanong. Ano ang magagawa mo upang lalo umunlad ang bansa? Tama bang magbunyi sa malilit na tagumpay na nakakamit? Tama bang matuwa sa kaunting pagtaas gayong ang mga bagay na mas nangailangan ng agaran at higit na pansin, patuloy na nababalewala?


Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s